Quezon Vegetable Industry Council, Sumailalim sa Pagsasanay


 

2015-06-20

 

 

Sumailalim sa pagsasanay sa tamang operasyon at pagsasanay ng makinaryang pangsakahan (cultivator) ang tatlumpu’t tatlong operator at pangulo/chairman ng mga rehistradong kasapi ng Quezon Vegetable Industry Council (QVIC) at farmers association sa Quezon Agricultural Demo Farm, Brgy. Ikirin, Pagbilao, Quezon noong ika-16 ng Hulyo, 2015.

 

Ang pagsasanay ay pinangasiwaan ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor sa pamumuno ni Roberto Gajo sa suporta ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez sa ilalim ng programang Serbisyong Suarez sa Agrikultura.

 

Ayon kay Gajo, layunin nito na sanayin ang mga magsasaka sa tamang operasyon at pamamahala ng makinaryang pangsakahan (cultivator) na bahagi ng panuntunang pinagkasunduan ng QVIC sa maayos na paggamit ng nasabing makinarya.

 

Tinalakay sa pagsasanay ang tamang paggamit ng cultivator at iba’t ibang bahagi nito, paraan ng pangangalaga ng makinarya katulad ng mga operative check at post-operative check at aktuwal na paggamit ng cultivator.

 

Lubos ang pasasalamat ng mga sumailalim sa pagsasanay sa pamahalaang panlalawigan lalo’t higit kay Governor Suarez sa patuloy na pagbibigay ng tulong at suporta sa sektor ng agrikultura. (Reygan Mantilla-Quezon PIO/OPA-Info. Unit)

 
 
BACK