Pagpuksa sa Pesteng Brontispa, Isinagawa sa Padre Burgos


 

2015-07-20

 

 

Isinagawa kamakailan sa bayan ng Padre Burgos ang massive spraying o pagpuksa sa pesteng brontispa bilang ayuda ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa ilalim ng programa ni Governor David “Jay-Jay C. Suarez na Serbisyong Suarez sa Agrikultura na ipatutupad ng Office of the Provincial Agriculturist para sa mga magsasaka sa lalawigan.

 

Ayon kay Roberto Gajo, Provincial Agriculturist na layunin ng naturang massive spraying sa naturang bayan na mapasigla ang produksiyon ng niyog na isa sa mga pangunahing pinagkakakitaan ng mga magsasaka.

 

Ang massive spraying ay isinagawa sa Brgy. Sipa 3 na ginamitan ng makabagong teknolohiya at paraan ng paglalagay ng organikong pestisidyo na tinatawag na Amag o metarhizium anisopliae. Ito au natural na pinadadami sa tamang temperatura upang ito ay mapadami, ligtas at walang halong anumang kemikal na siyang nagsisilbing ayuda upang makapuksa sa pesteng brontispa sa mga puno ng niyog na may edad na 4-5 taon.

 

Isa pang paraan para sa pagsugpo ng brontispa longgisima ay ang trunk injection na ginagamitan ng chemical pesticide para sa mas mataas na niyog na mas matipid at mabilis ang epekto.

 

Sa nakalipas na taon, ang brontispa longgisima ay isang uri ng insekto na mapamuksa sa mga punong niyog kung kaya’t malaki ang pag-aalala ng mga magsasaka sa kanilang pang-araw-araw na pagkakakitaan.

 

Sa pamamagitan ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor sa pamumuno ni Roberto Gajo at sa pagsubaybay ng Coconut Division sa pangunguna ni Redempta Querubin ay lubos ang pasasalamat ng mga magsasaka at ni Mayor Roger Panganiban sa pamahalaang panlalawigan at kay Gobernor Suarez sa patuloy na pagbibigay ng tulong. (Reygan Mantilla-Quezon PIO/OPA-Info. & Training Unit)

 
 
BACK