Emergency Response Team ng Quezon handang-handa na


 

2015-07-08

 

 

Lucena City, Quezon. Tiniyak ni Dr. Henry Buzar, Action Officer ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na nakahanda ang kanilang tanggapan partikular na ang Emergency Response Team ng probinsiya ngayong panahon ng tag-ulan.

 

Pero patuloy nilang hinihikayat ang mamamayan lao na ang mga kabataan na maging pro-active laban sa anumang kalamidad o sakuna ng sa gayun ay mas mabilis na makakarating ang tulong sa mga mangangailangan.

Mas maganda aniya kung makakapagbuo ang mga ito ng isang samahan na handa nilang bigyan ng mga kaukulang pagsasanay para maging emergency response team.

 

Bukod dito ay patuloy din silang nagbibigay ng mga pagsasanay sa mga barangay officials, munisipyo at syudad sa lalawigan may kaugnayan sa  rescue operations.

 

Samantala pinuri naman ni Assistant Regional Disaster Risk Reduction and Management Officer Commodore Rosauro Gonzales ang pamahalaang panlalawigan dahil nakapag buo na ito ng mga kabataang responders kasabay ng paglulunsad ng oplan listo.

 

Naniniwala si Gonzales na mas epektibo ang mga kabataan sa rescue operations dahil sa kanilang lakas at galing.

 

Ngayong National Disaster Conciousness Month isa sa binigyang diin ni Gonzales ay ang kahalagahan ng isang pamilya sa usapin ng kalamidad o sakuna. Dapat aniya na ang pamilya at ang komunidad ay maging disaster reselient upang mabawasan ang epekto ng kalamidad ng sa gayun ay mas makakatipid o kaunti na lang ang magiging paghahanda ng gobyerno.

Idinagdag pa nito na dapat isaisip at isapuso ng mamamayan ang anumang ginagawang hakbang ng pamahalaan laban sa anumang sakuna. (Quezon PIO)

 
 
BACK