Q1K Tuloy na sa Buwan ng Agosto


 

2015-07-08

 

 

Lucena City, Quezon. Isang libong mga nagdadalang taong ina ang unang mabibiyayaan sa paglulunsad sa susunod na buwan ng Q1K Program ng pamahalaang panlalwigan.

Ang programa ay tututok sa unang isang libong araw ng mga bata mula sa sinapupunan ng kanyang ina.

 

Ayon kay Governor David C. Suarez kabilang sa mga benepisyong makukuha ng isang bata ay ang pagkakaroon ng malakas na pangangatawan laban sa sampung uri ng sakit na nakamamatay, tiyak na makakatapos ng pag-aaral at dagdag na kita sa panahon ng paghahanapbuhay.

 

Sa isinagawang pag aaral ng pamahalaang panlalawigan, hindi sapat ang mga naunang programa ng lokal na pamahalaan may kaugnayan sa pangangalaga sa mga nagbubuntis at sa mga bagong silang na sanggol kaya naman mas marami pa rin ang naghihirap sa ating mga kababayan, dagdag pa ng gobernador.

 

Sa Q1K program tiniyak ni Suarez na unang mabibigyang solusyon ay ang malnutrisyon ng mga kabataan at higit sa lahat ay itataas nito ang kalidad ng pamumuhay sa lalawigan.

Kaugnay nito ay hinikayat pa ng gobernador ang mga kawani ng probinsiya na ikampanya at ipaliwanag ang nasabing programa na kauna-unahang gagawin sa sampung bayan sa Quezon. (Quezon PIO)

  

 
 
BACK