Industriya ng Dalanghita sa Tagkawayan at Calauag, Bubuhayin


 

2015-06-29

 

 

Muling bubuhayin at palalakasin ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon ang industriya ng dalanghita sa bayan ng Tagkawayan at Calauag.

 

Ito ang ipinahayag ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez sa mga magsasaka ng bayan ng Tagkawayan sa isinagawang pamamahagi ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor ng mga binhing pananim na palay noong June 26, 2015.

 

Ayon kay Governor Suarez napansin niya na nawawala na ang mga magtitinda ng mga dalanghita sa kahabaan ng kalsada sa bayan ng Tagkawayan at Calauag at base sa mga impormasyon na nakalap ay matatanda na ang mga puno nito at hindi na napalitan ng mga bagong puno kaya wala na halos ang namumunga.

 

Bilang aksyon ng pamahalaang panlalawigan para muling mabuhay at mapalakas ang industriya ng dalanghita sa dalawang bayan ay naglaan na ang pamahalaang panlalawigan ng tatlong milyong piso (P3M) na pondo para magdevelop ng nursery, magparami ng seedlings na ipamamahagi sa mga magsasaka at iba pang pangangailangan. (Reygan Mantilla-Quezon PIO)

 
 
BACK