Pagpapaunlad ng Pagmamaisan sa Quezon, Patuloy


 

2015-06-24

 

 

Patuloy ang pagsisikap ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA) upang lalo pang mapaunlad ang programa ng pagmamaisan sa lalawigan ng Quezon sa ilalim ng programang Serbisyong Suarez sa Agrikultura ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez.

 

Kaugnay nito, sumailalim sa training course on Values Re-orientation and Financial Management ang mga magsasakang kasapi ng Farmer’s Productivity Enhancement Program (FPEP) mula sa bayan ng Catanauan, Mulanay, San Andres, San Francisco, San Narciso at Buenavista sa Eyn’s Hotel, Catanauan, Quezon, kamakailan.

 

Ayon kay Roberto Gajo, Provincial Agriculturist na layunin nito na maturuan ang mga magsasaka ng tamang paraan ng pagtatala ng mga transaksyon tungkol sa produksyon ng pagmamais.

 

Kabilang sa mga tinalakay sa pangunguna ni Felino Gutierrez, Jr., Extension Services Director ng Southern Luzon State University (SLSU) ang tungkol sa Financial Management: Defined-Situationer on Philippine Farm Bookkeeping; Essentials of Farm Bookkeeping: Key Terminologies, Overview of Accounting Cycle/Period, Cash Basis vs. Accrual Basis; Everyday Bookkeeping; Costing: Types of Cost, Depreciation Cost Computation; at Summarizing Transactions.

 

Sa patuloy na pagbibigay ng sapat na kaalaman sa mga magsasaka ng mais sa lalawigan ng Quezon partikular sa ikatlong distrito ay umaasa si Governor Suarez na mapapataas ang produksyon ng produkto ng mais sa probinsya at mai-aangat ang antas ng pamumuhay ng mga ito. (Reygan Mantilla-Quezon PIO/OPA Info. & Training Unit)

 
 
BACK