Pagpuksa sa Pesteng Brontispa, Isinagawa sa Alabat


 

2015-06-22

 

 

Patuloy ang pagbibigay ng ayuda ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa ilalim ng programa ni Governor David “Jay-Jay C. Suarez na Serbisyong Suarez sa Agrikultura na ipatutupad ng Office of the Provincial Agriculturist para sa mga magsasaka sa lalawigan.

 

Sa bahagi ng bayan ng Alabat, para mapasigla ang produksyon ng niyog sa naturang bayan ay isinagawa sa Brgy. Gordor, Bacong at Villa Victoria ang massive spraying na ginamitan ng makabagong teknolohiya at paraan ng paglalagay ng organic fertilizer na tinatawag na Amag (metarhizium anisopliae) na isang uri ng pestisido organiko, natural na pinadadami ang Amag sa tamang temperature upang ito ay mapadami, ligtas at walang halong anumang kemikal na siyang nagsisilbing ayuda upang makapuksa ng insekto.

 

Ayon kay Roberto Gajo, Provincial Agriculturist na ang niyog ay isa sa mga pinagkukunang hanap-buhay ng mga magsasaka sa Quezon at nitong nakalipas lamang na taon ay isang klase ng insekto ng kung tawagin ay Brontispa Longissima ang nanalasa sa mga puno ng niyog sa lalawigan.

 

Dagdag pa ni Gajo na ang naturang insekto ay isang uri ng mapanirang insekto sa puno ng niyog at nagiging sanhi ng pagkahina ng produkyon ng niyog at malaki ang epekto sa mga magsasaka.

 

Isa sa mga produkto na pinagkakakitaan ng mga magsasaka dito ay ang paggawa ng cocosap sugar na malaking tulong ito sa kanilang pang-araw-araw na kabuhayan kaya naman lubos ang pasasalamat ng mga magsasaka sa naturang bayan at ni Mayor Fernando Mesa sa pamahalaang panlalawigan.

 

Naging matagumpay ang programa sa pagtutulungan ng pambayang agrikultor na si Zita Mesa at mga piling kawani mula sa Office of the Provincial Agriculturist Coconut Division sa pagsubaybay ni Redempta Querubin. (Reygan Mantilla-Quezon PIO/OPA-Info. & Training Unit)

 
 
BACK