Quezon, Itinanghal na Outstanding Regional Winner sa Gawad Saka 2015


 

2015-06-18

 

 

Isang magsasaka at tatlong samahan mula sa lalawigang ng Quezon ang itinanghal na Outstanding Regional Winners sa Gawad Saka Search for Outstanding Achievers para sa taong 2014 – 2015.

 

Kinilala ni Provincial Agriculturist Roberto Gajo ang mga outstanding regional winners na si Carmen Cabling ng Sariaya, Quezon bilang Outstanding Organic Farmer, ang Palsabangon Rural Improvement Club (RIC) ng Pagbilao bilang Outstanding RIC, Quezon Multi-Purpose Farmers Cooperative ng Pagbilao bilang Outstanding Small Farmers Organization at Municipal Fisheries and Aquatic Management Resources Council (MFAMRC) ng Infanta bilang Outstanding MFARMC na isa ring National Finalist sa Gawad Saka 2014-2015.

 

Matatandaan, ang Quezon ang itinanghal na Pambansang Mangingisda 2010-2011 sa katauhan ni Ramon Grimaldo ng Atimonan at Pambansang Samahan ang Quezon Provincial Agricultural and Fishery Council. Itinanghal din na Outstanding Governor si Governor David “Jay-Jay” C. Suarez at Outstanding Provincial Agriculturist si Gajo sa buong CALABARZON noong 2013-2014 sa larangan ng pagsasaka at pangisdaan.

 

Ayon kay Gajo, ang pagbibigay ng parangal sa mga magsasaka ay isang paraan upang mabigyan ng pagkilala ang mga natatanging magsasaka at mangingisda sa pagtulong sa pagpapaunlad ng agrikultura, gayundin, ang pagkilala sa kanilang kakayahan sa pagtaas ng antas ng kanilang pamumuhay at kabuhayan sa pamamagitan ng pagsasaka.

 

Ang pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Governor Suarez ay sumusuporta sa painakamataas na pagpaparangal sa mga magsasaka ang Gawad Saka na kung saan ay kinilala na ang lalawigan bilang Outstanding Province sa larangan ng pagsasaka at pangisdaan simula pa noong 2002.

 

Samantala, sa mga interesadong sumali sa pagpili ng natatanging magsasaka at mangingisda 2015-2016 ay makipag-ugnayan lamang sa mga Municipal Agriculturist ng bawat bayan para sa ilang detalye. (Reygan Mantilla-Quezon PIO/OPA-Info. Unit)

 
 
BACK