Farm Equipment and Machineries, Ipinamahagi ni Gov. Suarez


 

2015-05-28

 

 

Personal na ipinamahagi ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez ang iba’t ibang farm equipment at machineries sa siyam (9) na samahan ng mga magsasaka sa bayan ng Macalelon, Quezon noong May 25, 2015 sa Brgy. Olongtao sa naturang bayan.

 

Ayon kay Governor Suarez, ang pamamahagi ay naglalayon na matulungan ang iba’t ibang samahan ng mga magsasaka upang lalo pang mapaganda ang mga produktong kanilang sinasaka at bilang suporta ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa sektor ng Agrikultura sa pamamagitan ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor sa pamamahala ni Roberto Gajo.

 

Kabilang sa mga ipinamahagi ng gobernador ay 3 unit hand tractor (with engine), 19 knapsack sprayers, 1 motor engine (diesel), 1 grass cutter, 5 pcs. rake, 5 pcs. shovel, 5 pair boots, 1 cultivator, 200 meter hose (4 size) foot bulb for STW, 3 carabao at 60 bags na palay seeds.

 

Ang siyam na samahan na napagkalooban ay kinabibilangan ng Samahan ng Magsasaka ng Barangay Vista Hermosa, Samahan ng Magsasaka ng Barangay Pajarillo, San Jose Farmers Association, Samahan ng Magsasaka ng Barangay Anos, Samahan ng Magsasaka ng Barangay Candangal, Samahan ng Magsasaka ng Olongtao Ibaba, Tanguin Farmers Association, Barangay Lahing Farmers Association at Samahan ng Magsasaka ng Barangay San Isidro.

 

Samantala, ipinahayag din ni Governor Suarez sa bayan ng Macalelon na ito ay isang pilot municipality para sa nutrition program sa lalawigan ng Quezon at ang mga magsasaka sa nasabing bayan ang siyang patuloy na tutulong upang malutas ang malnutrisyon dito.

 

Tinalakay din ng gobernador ang iba pang proyekto ng pamahalaang panlalawigan ang tungkol sa herbal program na makakatulong sa mga magsasaka na maaaring karagdagang pagkakakitaan ng mga ito.

 

Bukod sa mga farm equipment at machineries, pinagkalooban din ng gobernador ang Barangay Anos ng 150 bags ng cement, 20 yero at 20 plywood, gayundin, ang Barangay Candangal ng 100 bags ng cement, 20 yero at 20 plywood.(Reygan Mantilla-Quezon PIO/OPA-Info. & Training Unit)

 
 
BACK