Quezon Provincial Library, Tumanggap ng Donasyong Aklat


 

2015-05-20

 

 

umanggap ng mga donasyong aklat ang Quezon Provincial Library mula sa Rural Empowerment Assistance and Development (READ) Foundation, Inc. at pamilya Barros, kamakailan.

 

Kabilang sa mga ipinagkaloob ng READ Foundation ay mga Filipiniana books tulad ng Mapping the Philippines, Manuel L. Quezon book, Doña Aurora Aragon book, Seer & Sea & Sierra and A Political Life in the Arts.

 

Ang naturang foundation ay nagkaloob din ng mga katulad na aklat sa Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF), Southern Luzon State University (SLSU) – Tiaong at Lucena Campus.

 

Ipinagkaloob naman ng pamilya Barros ang iba’t ibang aklat na karamihan ay mga reference book mula mismo sa kanilang personal library collection.

 

Samantala, ipinagbibigay-alam ni Ismaelinda Cabana, Provincial Librarian na bukas ang Quezon Provincial Library sa mga pribadong indibidwal at institusyon na nais magkaloob ng iba’t ibang aklat na makakatulong sa mga mag-aaral at mananaliksik na patuloy na tumatangkilik sa pampublikong aklatan. (Reygan Mantilla-Quezon PIO)

 
 
BACK