4h Club ng Quezon, Wagi sa 2nd Regional Farm Youth Camp


 

2015-05-20

 

 

Dumalo sa katatapos lamang na 2nd Regional Farm Youth Camp ang 28 delegasyon ng Quezon mula sa 4H Club ng iba’t ibang bayan sa lalawigan na ginanap sa Alta Rios Resort, Brgy. Lumampong Halayhay, Indang, Cavite, kamakailan.

 

Ayon kay Roberto Gajo, Provincial Agriculturist na layunin nito na mapagsama-sama ang mga samahan sa kanayunan, madagdagan ang kaalaman ukol sa angkop na pagbabago ng panahon at pagtalakay ng mga bagay na kailangang bigyan ng pansin.

 

Sa naturang farm youth camp, nakamit ng lalawigan ng Quezon ang iba’t ibang award sa iba’t ibang patimpalak na sinalihan ng mga ito kabilang 1st place sa Quiz bee na napanalunan ni Angelie Florante mula sa bayan ng Real, Quezon at Organic Chicken na pinangunahan ni Van Denver Bautista ng Unisan, Quezon na magiging kinatawan naman ng Region IV-A sa isasagawang National 4H Congress sa Tagbilaran, Bohol.

 

Ang iba pang nakamit ng lalawigan ng Quezon ay 2nd place sa Glutinous White Corn si Jane Haraya Delimos ng San Francisco, Quezon, Coco Based Handicraft si Fritz Lonoza ng Tayabas City, Minus-One Singing Contest si Emmalyn Alcantara ng Sariaya, Quezon at Canvass Painting si Ricks Mesiera ng Lucena City; 3rd place naman sa Herbal Processing si John Denmark Nanea ng Tayabas City at Extemporaneous Speaking si Leighza Mir Estela ng Pagbilao, Quezon.

 

Ang mga kabataang ito ay mayroong tinanggap na livelihood assistance tulad ng pagkakaloob ng mga baka, kambing, baboy at food cart mula sa pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez sa pamamagitan ng tanggapan ng panlalawigang Agrikultor sa ilalim ng Serbisyong Suarez sa Agrikultura. (Reygan Mantilla-Quezon PIO/OPA-Info. Unit)

 
 
BACK