Kagamitan sa Pagsasaka at Pangingisda, Ipinamahagi sa Gen. Nakar


 

2015-05-19

 

 

 

Personal na ipinagkaloob ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez ang mga kagamitan sa pagsasaka at pangingisda sa ilang samahan at indibidwal na magsasaka at mangingisda mula sa bayan ng General Nakar at Real noong May 18, 2015 sa isinagawang flag raising ceremony ng pamahalaang bayan.

 

Ayon kay Governor Suarez ang mga kagamitang ito ay hiniling ng mga magsasaka at mangingisda mula sa General Nakar sa pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor sa ilalim ng programang Serbisyong Suarez sa Agrikultura.

 

Kabilang sa mga napagkaloob ay Samahan ng Magsasaka sa Anoling at Samahan ng Magsasaka ng San Marcelino na tumanggap ng tig-isang hand tractor, Bantay Bakawan ng Real na tumanggap ng isang fiber glass banca with motor and accessories.

 

Tumanggap naman ng tig-isang knapsack sprayer ang sampung magsasaka mula sa iba’t ibang barangay sa General Nakar na kinabibilangan nina Erano Larita ng Brgy. Magsikap, Simeon Torres ng Brgy. Sablang, Delsa Eranista ng Brgy. Canaway, Arsenio Torres ng Brgy. Maligaya, Marieta Canaria ng Brgy. Banglos, Nanding Villareal ng Brgy. Catablingan, Carlito Vargas ng Brgy. Minahan Sur, Roderick Gloria ng Brgy. Anoling, Delicia Pujeda ng Brgy. Pamploma at Jerry Romantico ng Brgy. Pesa.

 

Lubos ang pasasalamat ng mga magsasaka at mangingisdang napagkalooban ng kagamitan na makakatulong anila ng malaki sa kanilang hanapbuhay upang mapataas pa ang produksyon ng kanilang ani.

 

Nagpapasalamat din sila sa patuloy na pagbibigay ng suporta at ayuda ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Governor Suarez sa sektor ng agrikultura sa lalawigan ng Quezon. (Reygan Mantilla-Quezon PIO)

 
 
BACK