32 Bayan, 1 Lungsod at Lalawigan ng Quezon, Nakapasa sa Good Financial Housekeeping ng DILG


 

2015-04-21

 

 

Binigyang pagkilala ng Department of Interior and Local Government (DILG) – Quezon ang mga bayan, lungsod at lalawigan ng Quezon na nakapasa sa assessment ng CY 2014 Good Financial Housekeeping (GFH) sa ilalim ng Seal of Good Local Governance (SGLG) ng tanggapan.

 

Ang pamamahagi ng plake ng pagkilala ay personal na ipinagkaloob nina DILG-Quezon OIC - Provincial Director Vilma de Torres at Governor David “Jay-Jay” C. Suarez sa mga punong-bayan sa isinagawang 2nd Provincial Development Council Meeting noong April 20, 2015 sa Bulwagang Kalilayan, Provincial Capitol Compound, Lungsod ng Lucena.

 

Kabilang sa mga ito ang bayan ng Burdeos, Infanta, Panukulan, Real, Agdangan, Buenavista, Catanauan, General Luna, Macalelon, Mulanay, Padre Burgos, Pitogo, San Narciso, Unisan, Alabat, Atimonan, Calauag, Guinayangan, Gumaca, Perez, Plaridel, Quezon, Tagkawayan, Candelaria, Dolores, Lucban, Mauban, Pagbilao, Sampaloc, San Antonio, Sariaya, Tiaong, lungsod ng Tayabas at lalawigan ng Quezon.

 

Ayon kay De Torres na sa pamamagitan nito ay nakikita ang maayos na pamamahala ng mga lokal na pamahalaan sa kabang-yaman ng tatlumpu’t dalawang bayan, isang lungsod at ng lalawigan ng Quezon.

 

Ang Good Financial Housekeeping ay isang bahagi ng Seal of Good Local Governance na dating kilala bilang Seal of Good Housekeeping na pinasimulan ng DILG noong 2010.

 

Ang GFH ay may criteria na Unqualified o Qualified COA Opinion at pagsunod sa Full Disclosure Policy ng Local Budget and Finances Bids and Public Offerings na nakasaad sa DILG Memorandum Circular No. 2013-140 (1st Quarter posting period).

 

Para makatanggap ang isang lokal na pamahalaan ng SGLG, dapat itong pumasa sa tatlong core assessment na GFH, Disaster Preparedness at Social Protection. Kinakailangan ding makapasa sa isa sa tatlong essential assessment na Business Friendliness and Competitiveness, Environmental Protection at Peace and Order. (Reygan Mantilla-Quezon PIO)

 
 
BACK