Gov. Suarez, Bagong Council Chairman ng BSP


 

2015-04-08

 

 

anumpa bilang bagong council chairman ng Boy Scout of the Philippines (BSP) Quezon Council si Governor David “Jay-Jay” C. Suarez kay Executive Judge Dennis Pastrana noong April 7, 2015.

 

Kasamang nanumpa ni Governor Suarez ang ilan pang bagong opisyal ng BSP-Quezon Council na sina Dr. Gerardo De Villa at Dr. Maria Teresa Carmela Merle bilang Council Vice-Chairmen; Ex-Mayor Domingo Tan bilang Council Treasurer; Councilor Ricardo Rico bilang Council Assistant Treasurer, Ronan Andrade, CPA bilang Council Auditor, Joel Avilledo, Ph. D. bilang Secretary at Schools Division Supt. Tolentino Aquino bilang Council Scout Commissioner.

 

Ang bumubuo naman ng Local Council Executive Board ay sina Mayor Isaias Ubana II, Mayor Erwin Caralian, Mayor Cesar Isaac III, Mayor Ramon Preza, Mayor Erick Wagan, Mayor Joselito Ojeda at Vice-Mayor Joel Vergaño.

 

Target ng bagong pamunuan ng council na madagdagan ang bilang ng miyembro nito ng dalawampu hanggang apatnapung libo bago isagawa ang provincial jamboree sa susunod na taon.

 

Base sa obserbasyon ng gobernador ay patuloy na bumababa ang bilang ng mga boys scout sa lalawigan kaya ngayon pa lang ay babalangkas na sila ng mga panibagong programa para mahikayat ang mga kabataan na sumali sa scouting.

 

Sa Quezon National Agricultural School (QNAS) balak isagawa ang provincial Jamboree sa Enero ng susunod na taon. (Reygan Mantilla-Quezon PIO)

 

 

 

 
 
BACK