Tulong Pinansyal, Ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigant


 

2015-03-23

 

 

Ipinagkaloob ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang tulong pinansyal sa ilalim ng programang Aid to Individual in Crisis Situation (AICS).

 

Ito ay personal na iniabot ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez sa anim na daan at pitumpu’t walong (678) indibidwal na benepisaryo ng programa na nagmula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan sa isang simpleng seremonya na isinagawa sa Quezon Convention Center sa lungsod ng Lucena noong March 19, 2015.

 

Ang tulong pinansyal na ipinamahagi sa pamamahala ni Provincial Social Welfare and Development Officer Sonia Leyson ay may kabuuang P2,162,000.00 kung saan P654,000.00 dito ay naipagkaloob sa 226 na Lucenahin na humingi ng ayuda sa pamahalaang panlalawigan para sa kanilang gastusin sa pagpapagamot at pagpapalibing.

 

Ayon kay Governor Suarez na mahalaga sa kanya bilang gobernador at ama ng lalawigan na maibigay hindi lamang ang tamang serbisyo ngunit ang benepisyong dapat naibibigay sa mga mamamayan.

 

Samantala, humingi ng paumanhin si Governor Suarez sa mga benepisaryo dahil natagalan bago naibigay ang tulong pinansyal na hiningi sa pamahalaang panlalawigan sapagkat nag-ipon pa ng pondong kailangan.

 

Ang AICS ay tulong na ipinagkakaloob sa indibidwal o pamilyang nakakaranas ng kahirapan dahil sa socio-economic difficulties. Ito ay karaniwang short term at emergency in nature kaya naman ang tulong na ibinibigay ay one-shot deal basis lamang. (Reygan Mantilla-Quezon PIO)

 
 
BACK