Mga Kababaihan ng Dalahican, Sumailalim sa Libreng Breast at Cervical Cancer Screening


 

2015-03-20

 

 

Kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan sa lalawigan ng Quezon ay sumailalim sa libreng breast at cervical cancer screening ang isandaang (100) kababaihan ng Barangay Dalahican sa Lungsod ng Lucena noong March 19, 2015.

 

Ang naturang libreng screening ay programa ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa pamumuno ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez katuwang ang Women’s Health Center at Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI) – Quezon sa pamumuno ni Unang Ginang Anna Villaraza-Suarez.

 

Ayon sa Unang Ginang, prayoridad na kailangang bigyan ng pansin ang kalusugan ng mga kababaihan kaya naman nagkaloob sila ng libreng pagsusuri upang masigurong malusog at ligtas ang mga ito sa sakit na breast at cervical cancer.

 

Ayon pa sa Unang Ginang na pangunahing tinututukan ng administrasyon ng kanyang asawa na si Governor Suarez ang kalusugan ng bawat Quezonian simula sa mga bata hanggang sa mga nakatatanda.

 

Bukod sa libreng pagsusuri, binigyan din ng kaalaman at impormasyon ang mga kababaihan tungkol sa sakit na breast at cervical cancer at kung paano ito maiiwasan na pinangunahan ni Dra. Connie Imperial ng Quezon Women’s Health Center.

 

Samantala, personal na ipinagkaloob ni Unang Ginang Anna Villaraza-Suarez ang family food packs sa mahigit 600 kababaihan ng naturang barangay.

 

Isasagawa ang susunod na libreng breast at cervical cancer screening sa March 27, 2015 sa Bulwagang Kalilayan, Lungsod ng Lucena kaalinsabay ng panlalawigang pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan sa Quezon Convention Center. (Reygan Mantilla-Quezon PIO)



 
 
BACK