Mga Kagamitan sa Day Care At Health Center, Ipinamahagi


 

2015-03-12

 

 

Patuloy ang pagmamahagi ni Unang Ginang Anna Villaraza-Suarez ng mga kagamitan sa iba’t ibang day care at health center sa lalawigan ng Quezon bilang bahagi ng Serbisyong Suarez Kalusugan at Day Care Service Program ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez.

 

Sa nakalipas na araw ay apat na bayan ang napuntahan na ng grupo ng Unang Ginang kabilang ang bayan ng Tiaong, Gumaca, San Antonio at Dolores, Quezon na may kabuuang dalawamput’ siyam (29) na barangay.

 

Sa bayan ng Tiaong, ipinagkaloob sa Barangay Ayusan 1, Lalig, Bukal, San Pedro, Bulakin, Talisay, Poblacion at Lumingon Day Care at Health Center ang walong (8) TV at DVD player, pitong (7) height board, tatlong (3) weighing scale at 200 family food packs.

 

Sa bayan ng Gumaca, ipinagkaloob naman sa Barangay Panikihan, Bamban, Buensuceso, Hagakhakin, Villa Arcaya, Camohaguin, Pipisik, Rosario, Bagong Buhay, Villa Nava at Sastre ang labing-isang (11) TV at DVD player, 150 payong, dalawampu’t tatlong (23) height board, sampung (10) weighing scale at 291 family food packs.

 

Sa San Antonio, ang Barangay Niing, Arawan, Bulihan, Matiponso, Poblacion at Loob Day Care at Health Center ang tumanggap ng anim (6) TV at DVD player, labing-pitong (17) height board at labing-pitong (17) weighing scale at 41 family food packs.

 

Sa Dolores naman, ang Barangay Pinagdanlayan, Bungoy, Bulakin 1 at Cabatang Day Care at Health Center ang tumanggap ng apat (4) TV at DVD player, 112 payong, apat (4) height board at labing-anim (16) weighing scale at 57 family food packs.

 

Ayon kay Unang Ginang Anna Villaraza-Suarez na ang pamamahagi ng mga TV set na may kasamang mga instructional materials sa mga day care center sa barangay ay upang makatulong sa pagbibigay ng mga kaalaman sa mga bata sa pamamagitan ng mga informative videos.

 

Kaugnay naman ng pamamahagi ng mga height board at weighing scale sa mga barangay health center, sinabi ng Unang Ginang na ito ay upang makuha ang mga tamang datos na kinakailangan upang makapagpatupad ng mga kaukulang programang pangkalusugan sa bawat barangay sa lalawigan.

 

Ayon pa sa Unang Ginang, bukod ay marami pang programa ang pamahalaang panlalawigan na nakasentro sa kapakanan ng pamilya tulad ng scholarship program sa sekondarya sa pamamagitan ng Quezon Science High School at para sa kolehiyo na prayoridad ngayong taon ang mga anak ng mga magsasaka at mangingisda. (Reygan Mantillla-Quezon PIO)

 


 

 
 
BACK