37 Magsasaka, Nagtapos sa Quezon AGRI-Eskwela


 

2015-03-11

 

 

Tatlumpu’t pitong (37) magsasaka mula sa labindalawang barangay sa bayan ng Candelaria ang nagtapos sa Quezon Agri-Eskwela sa larangan ng Organikong Pagtatanim ng Gulay sa Barangay Masin Norte noong March 10, 2015.

 

Ang pagsasanay na regular na programa ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa ilalim ng Serbisyong Suarez sa Agrikultura ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez para sa mga magsasaka sa iba’t ibang bayan at lungsod sa lalawigan ay pinangangasiwaan ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor.

 

Ayon kay Roberto Gajo, Provincial Agriculturist na ang pagsasanay na tumagal ng labing-anim (16) na linggo ay may layuning mabigyan ang mga magsasaka ng mga kaalaman tungkol sa makabagong teknolohiya sa larangan ng organikong pagtatanim ng gulay.

 

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga magsasakang nagtapos ng pagsasanay sa pamahalaang panlalawigan lalo’t higit kay Governor Suarez sa patuloy na pagbibigay ng iba’t ibang programa para sa sektor ng agrikultura.

 

Dumalo sa naturang naturang pagtatapos sina Ma. Leonillie Dimalaluan - HVCDP Coordinator, ilang kawani mula sa tanggapan ng Municipal Agriculturist sa pamumuno ni Ramon Nonato Plata, mga opisyal ng bayan ng Candelaria sa pamumuno ni Mayor Ferdinand Maliwanag.(Reygan Mantilla-Quezon PIO/OPA-Info. & Training Unit)

 
 
BACK