Pagpapa-Unlad ng Palayan sa Quezon, Patuloy


 

2015-02-24

 

 

Sumailalim sa pagsasanay sa pagpapa-unlad ng palayan ang apatnapu’t limang (45) municipal agriculturist at technician sa lalawigan ng Quezon at ilang kawani ng tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor sa Ouan’s Worth Farm sa lungsod ng Lucena, kamakailan.

 

Ayon kay Roberto Gajo, Provincial Agriculturist na ang naturang pagsasanay ay kaugnay ng programa ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez sa ilalim ng Serbisyong Suarez sa Agrikultura na ipinatutupad ng kanilang tanggapan.

 

Ayon pa kay Gajo na layunin ng pagsasanay na mabigyan ng pansin ang tungkol sa crop damage assessment at reporting system ng sektor ng agrikultura sa lalawigan ng Quezon.

 

Tinalakay ni Raul Maximo Tolentino, Chief ng Philippine Statistic Authority ang tungkol sa Concept of Damage Assessment and Reporting. Dito ay ipinaliwanag ni Tolentino ang tamang paglalagay ng datos lalo’t higit kung may kalamidad o masamang panahon, itinuro ang tamang formula, kung paano itala ang tamang datos upang mabigyan ng agarang ayuda ang mga magsasaka kung sumapit ang kalamidad.

 

Ipinaliwanag naman ni Engr. Joseito Bunyi, Chief Extension Division at Provincial Rice Coordinator ang kalalagayan ng programa ng pagpapalayan sa lalawigan ng Quezon.

 

Ipinarating naman ni Corazon Gallego, APCO Quezon ang mga programa ng Department of Agriculture kaugnay ng usapin sa pagpapalayan sa buong lalawigan ng Quezon. (Reygan Mantilla-Quezon PIO/OPA-Info. & Training Unit)

 
 
BACK