Quezon Herbal Program, Umuusad Na


 

2015-02-24

 

 

Patuloy na sa pag-usad ang pagpapatupad ng Herbal Program sa lalawigan ng Quezon ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor.

 

Kaugnay nito, iba’t ibang aktibidad na ang isinagawa ng tanggapan para sa naturang programa kabilang ang pagbibigay ng oryentasyon sa Gulayan sa Paaralan na idinaos sa Gumaca, Catanauan at Talipan National High School sa bayan ng Pagbilao na dinaluhan ng mga District Supervisor ng Department of Education.

 

Layunin ng oryentasyon na magkaroon ang kaalaman ang mga mag-aaral at mga magulang tungkol sa halamang gamot na magiging karagdagang batayan sa paligsahan na Gulayan sa Paaralan, 50% sa gulay at 50% sa halamang gamot.

 

Nagsagawa na din ng unang pagsasanay tungkol sa malawakang pagtatanim ng halamang gamot sa lalawigan ng Quezon na dinaluhan ng mga cooperators, municipal agriculturist office at agricultural technologist/technician mula sa mga napiling bayan na magsisilbing pilot areas.

 

Sa naturang pagsasanay, hinati ang grupo ng naaayon sa klase ng halamang gamot na itatanim tulad ng tanglad, luyang dilaw, malunggay, siling labuyo at pandan. Tinalakay dito ng mga kawani ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA) – Facilities Division ang pagtatanim, pangangalaga, paano tanggalin ang sakit, peste, pagpaparami at pag-aani ng mga halamang gamot.

 

Nagkaroon din ng pagpaplano ang bawat grupo tungkol sa costing o magiging presyo ng halamang gamot, kaalinsabay ang paglagda sa memoranumdum of understanding sa pagitan ng Provincial Agriculturist, Cooperators at Municipal Agriculturist ng bawat bayan.

 

Nakapagsagawa na din ng consultative meeting kung saan nabuo ang mga komitiba para sa Quezon Herbal Program na kinabibilangan ng mga sumusunod:

 

Research and Development:           Chairman –Amalia Almazol (SLSU)

                                                            Vice Chair –Jenny Ann Nabia (DOST)

                                                            Secretary – OPA

Production and Supervision:           Chairman – OPA

                                                            Vice Chair –Petronilo Abuyan

                                                            Secretary – Leonarda Telan (DENR)

Production and Marketing:              Chairman – Roberto Gajo

                                                            Vice Chair / Secretary – OPA

Information and Communication:     Chairman – Maria Rosalio Camilon (DepEd)

                                                            Vice Chair – Nancy Ilagan (PSWDO)

Agro-Enterprise Committee:            Chairman – Lani Constantino (DTI)

                                                            Petronilo Abuyan – MAO President

 

Ang pagpapalaganap ng halamang gamot sa lalawigan ng Quezon ay isa sa pangunahing programa ngayon ni Governor David “Jay-Jay”C. Suarez na may layunig maging malusog ang mga mamamayan sa pamamagitan ng paggamit ng halamang gamot, gawing industriya upang kumita ang mga magsasaka sa pamamagitan ng pagtatanim, pagbebenta ng raw materials sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga manufacturer o producer na kukuha ng mga produkto sa lalawigan ng Quezon. Gayundin, upang magkaroon ng sariling processing plant ng mga halamang gamot dito sa Quezon.

 

Ang naturang programa ay ipatutupad sa ilalim ng pagsubaybay ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor sa pamumuno ni Roberto Gajo at Walter Dapla bilang Program Coordinator ng Quezon Herbal Program. (Reygan Mantilla-Quezon PIO/OPA-Info. & Training Unit)

 
 
BACK