28 Magsasaka, Nagtapos sa Quezon Agri-eskwela


 

2015-02-17

 

 

Dalawampu’t walong (28) magsasaka mula sa bayan ng Perez ang nagtapos sa Quezon Agri-Eskwela sa larangan ng Organikong Pagtatanim ng Gulay sa Brgy. Pinagtubigan Weste, Perez, Quezon, kamakailan.

 

Ang pagsasanay na pinangasiwaan ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor sa pamumuno ni Roberto Gajo ay sa ilalim ng programang Serbisyong Suarez sa Agrikultura ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez.

 

Ang pagsasanay na tumagal ng labing-anim (16) na linggo ay may layuning maturuan ang mga magsasaka ng mga makabagong teknolohiya sa larangan ng organikong pagtatanim ng gulay.

 

Lubos ang pasasalamat ng mga nagsanay na magsasaka sa pamahalaang panlalawigan ng Quezon lalo’t higit sa mga naging tagapagsanay mula sa Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor sapagkat hindi nila inalintana ang malalaking alon, malakas na ulan at matinding sikat ng araw maihatid lamang ang Serbisyong Suarez sa Agrikultura sa bayan ng Perez.

 

Dumalo sa naturang pagtatapos sina Ma. Leonillie Dimalaluan - HVCDP Coordinator, Vice-Mayor Rodrigo Caparros, ilang miyembro ng Sangguniang Bayan, ilang kawani mula sa tanggapan ng Municipal at Provincial Agriculturist. (Reygan Mantilla-Quezon PIO/OPA-Info. & Training Unit) 

 
 
BACK