Reina Area at Island Municipalities, Napagkalooban ng Tulong


 

2015-02-06

 

 

Walong bayan sa unang distrito ng lalawigan ng Quezon ang napagkalooban ng iba’t ibang tulong ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Governor David “Jay-Jay” Suarez noong February 5, 2015.

 

Umabot sa 6,500 ang mga magsasaka at mangingisda mula sa bayan ng Real, Infanta, General Nakar, Panukulan, Polilio, Burdeos, Jomalig at Patnanungan ang napagkalooban ng food-for-work program o mga family food pack na naapektuhan ng mga dumaang bagyo noong nakaraang taon.

 

Ipinamahagi din ng gobernador ang tulong ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Agriculturist Office ang mga agricultural inputs tulad ng mga binhing pananim, fertilizer sa mga magsasaka at bangka at iba pang kagamitan sa pangingisda para sa mga mangingisda. Gayundin, ang pamamahagi ng mga kagamitan sa livelihood program sa bayan ng Real tulad ng mga sewing machine.

 

Ipinagkaloob din ng gobernador ang tulong pinansyal ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development (PSWDO) sa ilalim ng programang Aid to Individual in Crisis Situation (AICS) sa ilang residente ng naturang mga bayan na humingi ng ayuda sa mga gastusin sa pagpapagamot.

 

Ipinamahagi naman sa mga punong barangay mula sa walong bayan ang mga health coupon o Lingap Kalusugan para sa Quezonian sa ilalim ng Serbisyong Suarez sa Kalusugan na nagkakahalaga ng P25,000.00 bawat barangay na maaaring gamitin sa mga pampublikong pagamutan sa lalawigan ng Quezon. (Reygan Mantilla-Quezon PIO)

 
 
BACK