Water Refilling Station sa Padre Burgos, Sisimulan ng Itayo


 

2015-01-16

 

 

Sisimulan na sa mga susunod na araw ang pagsasaayos ng patubig at paglalagay ng isang water refilling station sa bayan ng Padre Burgos.

 

Ayon kay Mayor Jigs Panganiban sa tulong ng pamahalaang panlalawigan  sa pamamagitan ng mga ipinamahaging tubo ay mabibigyan na ng sapat na suplay ng tubig ang ilang barangay ng nabanggit na bayan.

 

Ang water refilling station ay proyekto naman ni 3rd District Congresswoman Aleta Suarez na sinusuportahan din ng administrasyon ni Governor David C. Suarez.

 

Ayon sa gobernador, gamit ang coupon ay makakakuha na ng libreng inuming tubig ang kanyang mga kababayan sa nabanggit na bayan.

 

Una ng nakapagtayo ng water refilling station sa mga bayan ng San Francisco at Catanauan, Quezon.

 

Layunin ng proyekto na iiwas sa sakit ang kanyang mga kababayan dulot ng maruming tubig bilang bahagi naman ng programa nito sa pangkalusugan.(Bert Abrigo-Quezon PIO)

 
 
BACK