Pamahalaang Panlalawigan, Naghahanda sa Posibleng Pagdaan ng Bagyong Amang sa Quezon


 

2015-01-18

 

 

Kahit araw ng Linggo ay kaagad na nagpatawag ng emergency meeting si Governor David “Jay-Jay” Suarez sa ilang miyembro ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council upang mapaghandaan ang pagdaan ng bagyong Amang sa lalawigan ng Quezon.

 

Ayon kay Provincial Administrator Rommel Edaño, Jr. nais ni Governor Suarez na maging handa ang lahat sa pagdaan ng naturang bagyo sa lalawigan kaya naman siniguro ng gobernador na naka-full alert ang lahat ng municipal disaster risk reduction and management council (MDRRMC) sa lahat ng bayan partikular sa ika-apat na distrito, island  municipalities at northern part ng Quezon na posibleng dadaan ng  bagyong Amang.

 

Inatasan din ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa pamumuno ni Dr. Henry Buzar na time-to-time ay tawagan ang mga local MDRRMO upang malaman ang mga kasalukuyang kaganapan.

 

Gayundin, siniguro din ng administrador na palaging nakahanda ang lahat ng emergency response team ng PDRRMO sa anumang hindi inaasahang maaaring mangyari.

 

Ayonn naman sa Provincial Social Welfare and Development Office ay nakahanda na din ang mga relief goods kung sakaling may mga bayan na mangangailangan ng family food packs.

 

Pinapaalalahanan din ang lahat ng mga naninirahan sa mga malapit sa baybay-dagat na mag-ingat sa posibleng paglaki ng tubig. Gayundin, ang mga naninirahan malapit sa mga landslide-prone area sa posibleng pagguho ng lupa at sa mga lugar na posibleng bahain dulot ng walang tigil na pag-ulan.

 

Sa pinahuling ulat ng PDRRMO, anim na bayan na sa lalawigan ng Quezon ang kasalukyang walang kuryete, ito ay ang bayan ng Alabat, San Andres, Buenavista, Atimonan, Calauag at Lopez. (Reygan Mantilla-Quezon PIO)

 
 
BACK