Rural Based Organizations, Sumailallim sa Livelihood Training


 

2014-10-30

 

 

Sumailalim sa tatlong araw na pagsasanay ang walumpu’t walong (88) kasapi ng rural based organization tungkol sa Good Manufacturing Practices Cum Entrepreneurial noong October 22 – 24, 2014 sa Ouans’ Worth Farm, Lungsod ng Lucena.

 

Ang naturang pagsasanay ay bahagi ng programa ng pamahalaang panlalawigan sa ilalim ng Serbisyong Suarez sa Agrikultura ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez sa pamamagitan ng tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor.

 

Ayon kay Provincial Agriculturist Roberto Gajo, ang pagsasanay ay naglalayong mabigyan at mapalawak ang kaalaman ng mga kasapi ng mga rural based organization sa lalawigan sa pamamahala ng kanilang napiling proyektong pangkabuhayan tulad ng Food Cart sa pagsubaybay ni Joselito Bunyi, Chief Extension Division ng Office of the Provincial Agriculturist.

 

Ayon pa kay Gajo, ninanais ni Governor Suarez na ang mga magsasaka sa lalawigan ay maging isang negosyante o entrepreneur upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan.

 

Kabilang sa mga tinalakay sa naturang pagsasanay ay Good Manufacturing Practices and Food Safety, Marketing, Product Development, Materials Costing, Financial and Administrative matter, Introduction to accounting, trial balance at income statement presentation.

 

Dumalo sa pagsasanay ang ilang kasapi ng mga rural based organization mula sa bayan ng Lucban, Real, Sampaloc, General Nakar, Sariaya, Candelaria, Padre Burgos, Guinayangan, Mulanay at lungsod ng Tayabas. (Reygan Mantilla-Quezon PIO/OPA-Info. & Training Unit)

 
 
BACK