Food-For-Work Program, Ipinamahagi sa Lungsod ng Tayabas


 

2014-10-27

 

 

Ipinamahagi ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez ang food-for-work program ng pamahalaang panlalawigan bilang pagtugon sa rehabilitation program sa mga nasalanta ng bagyong Glenda sa lungsod ng Tayabas noong October 24, 2014.

 

Ito ang ikalawang pagbalik ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Gov. Suarez sa lungsod ng Tayabas upang muling maghatid ng tulong sa mga biktima ng bagyong Glenda tulad ng agriculture farm equipment, mga binhing pananim at family food packs.

 

Umabot sa 1,000 residente ng lungsod ng Tayabas ang napagkalooban ng naturang family food packs. Tumanggap naman ang 340 magsasaka ng mga binhing pananim tulad ng palay, yellow corn, lagkitan corn, sitaw, talong, kamatis, ampalaya at mangosteen seedlings, gayundin ng fertilizer (ammosol, organic, complete)

 

Ipinagkaloob naman ang labindalawang (12) unit ng knapsack sprayer sa isang municipal vegetable growers association, tatlong farmers association at limang corn farmers na mapapakinabangan ng 103 magsasaka sa lungsod ng Tayabas.

 

Hiniling ni Governor Suarez sa lahat ng Tayabasin na magtulungan, asikasuhin ang mga problema ng barangay, tumulong sa pagsasaayos ng lungsod ng Tayabas at makibahagi sa pag-unlad ng lalawigan ng Quezon.

 

Kasama ng gobernador sa pamamahagi sa lungsod ng Tayabas ang mga manlalaro ng basketball sa PBA mula sa koponan ng Barangay Ginebra at KIA Sorento. (Reygan Mantilla-Quezon PIO)

 
 
BACK