2 Galing Pook Award ng Quezon, Ibinahagi ni Governor Suarez sa mga Kawani


 

2014-10-27

 

 

“Provincial Government of Quezon job well done, we received two (2) of the most prestigious award a local government can received at ito ay malalagay sa history books; because of the awards that we have received this year and because of the two Galing Pook Award, we can humbly say that we are the best performing provincial government in the country.”

 

Ito ang mensaheng ipinahayag ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez sa mga kawani ng pamahalaang panlalawigan sa isinagawang regular na seremonya ng pagtataas ng watawat ng pamahalaang panlalawigan.

 

“The awards speak highly of what we have accomplished for the past four (4) years at sa loob ng apat na taon ay naipakita natin sa pamamagitan ng programang ipinatupad sa pagsunod sa bagong adhikaing pangkaunlaran para sa ating lalawigan, we can indeed make a difference,” ayon pa sa gobernador.

 

Ang lalawigan ng Quezon ang kauna-unahang lalawigan sa bansa na nakatanggap ng Galing Pook Award para sa dalawang proyekto sa loob ng isang taon kung saan sampu lamang ang kinikilala.

 

Ang dalawang programa ng pamahalaang panlalawigan na ginawaran ng Galing Pook Award at napasama sa Top Ten Outstanding Local Governance Program sa buong bansa ay Lingap Kalusugan para sa Barangay o Serbisyong Suarez Health Coupon at Quezon’s 2 in 1 o pagtatanim ng mahigit dalawang milyong bakawan sa loob ng isang araw.

 

Pinasalamatan naman ng gobernador ang lahat ng pinuno ng tanggapan at kawani ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon, sangguniang panlalawigan na naging bahagi upang maipatupad at maging matagumpay ang naturang mga programa.

 

“Hindi lang naman ito pinaghirapan ng mga department head, yung paghihirap ng PG-ENRO para ibaba ang mga propagules, tumulong sa pagbubuo ng community leaders, pagbubuo ng Luntiang Katipunero, kausapin ang ibat’ ibang sector, mga empleyado na napa-assign sa iba’t ibang site para siguraduhing may magtatanim ng punong bakawan at makasama sa evaluating team also did your part.”

 

“Yung Lingap Kalusugan Para sa Barangay kung hindi tayo tinutulungan ng mga chief of hospitals ng ating 16 na ospital ay hindi nila mapapakinabangan ang ating health coupon; kung hindi tayo tinulungan ng local finance committee to conceptualize a program kung saan maibababa ang programa sa mga barangay, kung hindi natin inayos ang mga pasilidad sa ospital mas lalo din itong hindi napakinabangan ng 173,592 Quezonian na naging benepisaryo ng programa,” dagdag pa ng gobernador.

 

Ang Galing Pook Award ay maituturing na pinakamataas at pinakaprestihiyosong parangal na maaaring matanggap ng isang local government unit. Ito ay nilalahukan ng mga barangay, munisipyo, lungsod at probinsya kung saan kinikilala ang mga programang epektibo, sustenable at malikhain at binuo kasama ang mga mamamayan at ipinatupad para sa mga mamamayan. (Reygan Mantilla-Quezon PIO)

 
 
BACK