Meat Safety Consciousness Week, Ginugunita


 

2014-10-21

 

 

Ginugunita ngayong linggong ito, simula October 20 -26, 2014 ang Meat Safety Consciousness Week sa lalawigan ng Quezon na pinangungunahan ng Provincial Veterinary Office.

 

Ayon kay Provincial Veterinarian Dr. Flomella Caguicla, layunin nito na paigtingin ang nationwide awareness ang mga tao sa pangangailangan ng taong bayan ng malinis at ligtas na karne, maging ito man ay sariwa o prosesong karne na.

 

Ngayong taong ito ang tema ay “RA 10611 or Food Safety Act: Kaligtasan ng Mamamayan at Katuwang sa Kalakalan” na may layuning palakasin ng pamahalaang ang food safety regulatory system upang mailigtas ang mga mamamayan sa mga sakit bunga ng hindi wastong paghahanda ng pagkain gayundin ang misbranded at adulterated na mga pagkain. Ito din ay upang mapaunlad ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagsunod sa fair trade practices sa panloob at pandaigdig na kalakalan.

 

Ang food safety act ay tumatalakay sa mga tuntuning nagtatakda ng mga pamantayan para sa isang ligtas na pagkain mula sa pag-ani, pagproseso, paghahanda, pamamahagi, pagbili, paghahanda ng pagkain hanggang sa ito’y kainin ng mga tao.

 

Ayon pa kay Caguicla na dapat sigurado ang mga mamimili sa mga bibilhing karne lalo na sa panahon ngayon na nagkalat ang mga botcha o double dead na karne. Pero sinigurado naman nito na walang kaso ng double dead na karne sa lalawigan ng Quezon.

 

Nagsagawa din ang Provincial Veterinary Office ng good hygienic slaughtering pratices para sa mga meat vendor at meat butcher sa bawat bayan sa lalawigan ng Quezon kung saan ito ay isinasagawa na sa bayan ng Lucban, Tayabas, Gumaca at Real, Quezon.

 

Patuloy ding nagsasagawa ang Provincial Veterinary Office ng pagbisita sa mga bahay-katayan sa buong lalawigan ng Quezon at patuloy na hinihikayat ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez ang mga punong bayan at lungsod na i-upgrade ang kanilang mga bahay-katayan.

 

Ang lalawigan ng Quezon ay mayroon nang dalawang bayan na binigyan ng Double A o Class AA Accreditation ng National Meat Inspection Service (NMIS), ang bayan ng Gumaca at Sariaya.

 

Samantala, pautloy naman ang pagproseso para mabigyan din ng naturang accreditation ang bayan ng Lucban, gayundin ang Real, Calauag, Atimonan at Tayabas. (Reygan Mantilla-Quezon PIO)

 
 
BACK