4th Gender and Development Convention, Isinagawa


 

2014-10-20

 

 

Nagsagawa ng tatlong araw na 4th Regional Gender and Development Convention ang Regional Development Council – Subcommittee on Gender and Development noong October 15 – 17, 2014 sa Queen Margarette Hotel, Brgy. Domoit sa lungsod ng Lucena.

 

Ang naturang convention na may temang “CALABARZON’s Commitment to Gender Responsive Governance: Beyond Compliance” ay may layuning maipabatid sa lahat ng stakeholders partikular ang mga lokal na pamahalan upang maturuang mapalakas kung paano ba analisahin o magkakaroon ng background sa gender analysis at pagproseso ng development planning, ano ang mga gaps, issues o mga problemang dapat i-address ng mga local government units at iba pang stakeholders.

 

Ayon kay Ofelia Garcia, Provincial Gender and Development Officer na mahalagang malaman ng bawat mamamayan na ang bawat isa ay kabahagi ng pamahalaan at nararapat lamang na malaman ang tungkol sa gender and development.

 

Ayon pa kay Palayan na napakahalaga ng usaping gender kung saan ang bawat kababaihan at kalalakihan ay dapat magkaroon ng pagkakataon na makiisa sa lahat ng development process na nangyayari sa pamahalaan.

 

Inihalintulad ni Palayan ang ginagawa ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez na nagpapatupad ng Gender Responsive Governance, inaalam ang mga issues and concerns ng mga kababaihan at kalalakihan at ito’y nilalapatan ng mga tamang programa na tutugon sa mga isyung ito.

 

Gayundin, binibigyan ng pagkakataon ni Governor Suarez ng pagkakataon ang mga kababaihan na makisa sa mga usapin lalo na sa paggawa ng mga polisiya para sa lalawigan ng Quezon.

 

Samantala, kabilang sa mga tinalakay sa naturang GAD convention ay Gender Orientation, GAD Plan and Budget Guidelines, Gender Analysis and Tools, Impact of Migration on Gender and Its Correlating Effects at Gender Initiatives on Infrastructure SectorEconomic Sector, Tourism Sector, Disaster Risk Reduction – Climate Change Adaptation at Local Government Unit Sector.

 

Ito ay dinaluhan ng mga miyembro ng Gender and Development Focal Point System, budget officer, planning officer, accountants at auditors ng mga regional line agencies, local government units (LGU), state universities at colleges at iba pang higher education institutions, private sector at civil society organizations.

 

Isinagawa din sa naturang convention ang pagpaparangal sa mga Outstanding City/Municipal Gender Focal Person System sa lalawigan ng Quezon na pinangunahan nina Provincial Administrator Romulo Edano Jr. bilang kinatawan ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez at Provincial GAD Focal Person Ofelia Palayan. (Reygan Mantilla-Quezon PIO)

 

 

 

 
 
BACK