Quezon 4H Leadership Skills Cum Livelihood, Isinagawa


 

2014-10-17

 

 

Tatlong araw na sumailalaim sa pagsasanay tungkol sa leadership skill cum livelihood ang mga kabataan na kasapi ng 4-H Club at 4-H Federation sa lalawigan ng Quezon sa Oaun’s Worth Farm & Resort sa lungsod ng Lucena, kamakailan.

 

Ang pagsasanay ay pinangasiwaan ng Agricultural Training Institute (ATI) Region IV-A sa pakikipagtulungan sa Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor sa suporta ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez.

 

Ayon kay Roberto Gajo, Provincial Agriculturist, layunin ng nasabing pagsasanay na lalong palakasin ang samahan ng mga kabataan lalo na sa larangan ng pamumuno, pagpoproseso ng mga produktong pang-agrikultura at palawakin ang kaalaman sa “Disaster Preparedness” sa dahilang ang ating lalawigan ay madalas na dalawin ng masamang panahon.

 

Kabilang sa mga tinalakay sa tatlong araw na pagsasanay ay Good Manufacturing Practices, Food Safety and Hygiene, History ng Gawad Saka, Parliamentary Producers, Disaster Preparedness at Record Keeping.

 

Ang nasabing pagsasanay ay nilakuhan ng mga kabataang kasapi ng 4H Club mula sa bayan ng Guinayangan, Catanauan, Lucban, Agdangan, Real, Mauban, Tayabas, Sariaya, San Andres, San Francisco at Plaridel.

 

Nagpasalamat naman si Mariel Dayanghirang, Regional Rural Based Organization Focal Person ATI-Region IV-A sa pagtugon ng mga bayan upang dumalo sa naturang pagsasanay.

 

Ito ay pinangunahan ng Extension Division ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor sa pamamagitan ni Chief Extension Division Engr. Joselito Bunyi at Provincial FYDP Coordinator Angelina Jamilano. (Reygan Mantilla-Quezon PIO/OPA-Info. & Training Unit)

 
 
BACK