31 Magsasaka, Nagtapos sa Farmers' Field School on Palay Production


 

2014-10-16

 

 

Tatlumpu’t isang (31) magsasaka ang matagumpay na nagtapos sa Season Long Farmers’ Field School on Palay Check System sa Brgy. Umiray, General Nakar, Quezon, kamakailan.

Ang naturang pagsasanay ay programa ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez sa ilalim ng Serbisyong Suarez sa Agrikultura na ipinatutupad ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor.

Ayon kay Roberto Gajo, Provincial Agriculturist na ang pagsasanay na tumagal ng labing-anim (16) na linggo ay may layuning mabigyan ang mga magsasaka ng mga kaalaman tungkol sa makabagong teknolohiya sa larangan ng pagsasaka sa maliit na gastos pero may sapat na ani kumpara sa mga nakagisnang paraan ng pagsasaka.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga nagtapos na magsasaka sa pamahalaang panlalawigan at kay Governor Suarez dahil sa kabila ng pagiging malayo ng kanilang barangay at dulong barangay ng General Nakar ay nakarating sa kanilang lugar ang programang makakatulong sa kanilang kabuhayan.

Nagpahayag din ng pasasalamat ang pamahalaang bayan ng General Nakar sa pamumuno ni Mayor Leovigildo Ruzol sa pamahalaang panlalawigan sa pagbibigay ng programang makakatulong na maiangat ang antas ng kabuhayan ng mga magsasaka sa kanilang bayan. (Reygan Mantilla-Quezon PIO/OPA-Info. & Training Unit)

 

 

 
 
BACK