Outstanding City / Municipal GFPS sa Quezon, Pinarangalan


 

2014-10-15

 

 

Pinarangalan ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Gender and Development Focal Point System ang mga Outstanding City/Municipal GAD Focal Point System (GFPS) sa lalawigan ng Quezon sa isinagawang 4th CALABARZON Gender and Development Convention sa Queen Margarette Hotel sa Lungsod ng Lucena noong October 15, 2014.

 

Kinilala sa kategoryang 1st Class Municipality bilang Outstanding City GAD Focal Point System (CGFPS) ang lungsod ng Tayabas, sa 4th Class Municipality bilang Outstanding Municipal GAD Focal Point System (MGFPS) ang bayan ng Panukulan  at sa 5th Class Municipality bilang Outstanding MGFPS ay ang bayan ng Sampaloc.

 

Hinirang na 1st runner-up sa 1st class municipality ang bayan ng Lopez, 2nd runner-up ang bayan ng Real at 3rd runner-up ang Mulanay, Quezon. Sa 4thclass municipality, 1st runner-up ang bayan ng Unisan. Para naman sa 5th class municipality, 1st runner-up ang bayan ng Alabat at 2nd runner-up ang Perez, Quezon.

 

Tinanghal namang Hall of Fame bilang Outstanding Municipal GAD Focal Point System sa 5th Class Municipality ang Quezon, Quezon sa pagkakapanalo nito ng tatlong magkakasunod na taon.

 

Gayundin, binigyang parangal bilang GAD Champion on Community Led Total Sanitation (CLTS) ang bayan ng Buenavista, Gumaca at Quezon, Quezon. Ipinagkaloob naman sa bayan ng Real, Quezon ang parangal bilang GAD Champion on Solid Waste Management and Vegetation Enhancement.

 

 Ayon kay Ofelia Palayan, pinuno ng Provincial Gender and Development (PGAD), layunin ng pagkakaloob ng parangal ay upang mabigyang pagkilala ang mga bayan o lungsod sa lalawigan na matagumpay na nagpapatupad ng mga programa at proyektong may kaugnayan sa gender and development na patuloy na tinututukan ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez.

 

Bukod sa mga plake ay tumanggap din ng cash prize ang mga pinarangalan na iniabot ni Provincial Administrator Romulo Edano Jr. bilang kinatawan ni Governor Suarez, P30,000 sa champion, P20,000 sa 1st runner-up, P10,000 sa 2nd runner-up at P5,000 sa 3rd runner-up. (Reygan Mantilla-Quezon PIO)

 
 
BACK