32 Kagawad, Nagtapos sa FFS on Climate Change


 

2014-10-15

 

 

Tatlumpu’t dalawang (32) kagawad ng mga barangay sa bayan ng Lucban, Quezon ang nagtapos sa Farmer’s Field School (FFS) on Climate Change sa Brgy. Ayuti na pinangasiwaan ng Office of the Provincial Agriculturist, kamakailan.

 

Ang nasabing pag-aaral ng FFS ay isinagawa upang makapagbigay ng mga makabagong kaalaman tulad ng pagsusuri, pagbubuntis at pag-aani upang mapataas ang produksyon ng pagpapalayan.

 

Tinalakay din sa naturang FFS ang tungkol sa climate change at tinuruan ng weather forecast gamit ang pasilidad ng Southern Luzon State University – BSWM sa pamamagitan ni Prof. Beato Macasero.

 

Ang pagsasanay ng mga kagawad sa farmer’s field school on climate change ay tumagal ng mahigit na labing-anim (16) na linggo.

 

Ayon kay Marites Cosico, OIC Center Director ng Agricultural Training Institute (ATI) Region IV-A, mapalad ang bayan ng Lucban sapagkat sila ang kauna-unahang nagkaroon ng FFS on Climate Change na makakatulong sa mga magsasaka na makaiwas sa pagkalugi ng produkto sa pagpapalayan.

 

Ayon pa kay Cosico na patuloy silang nagkakaloob ng mga pagsasanay tulad ng FFS on Climate Change na kung saan ang ATI Region IV-A ang tumatayong sponsor nito.

 

Nagpasalamat din si Cosico sa pakikipagtulungan ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez at sa pamamagitan ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor sa pangunguna ni Roberto Gajo Jr. (Reygan Mantilla-Quezon PIO/OPA-Info. & Training Unit)  

 
 
BACK