Libreng Pagbabakuna sa Alagang Aso at Pusa, Isinagawa sa Atimonan


 

2014-10-14

 

 

Sa apat na araw na pagsasagawa ng libreng pagbabakuna laban sa rabies sa bayan ng Atimonan sa apat na magkakahiwalay na barangay noong October 2, 7, 9 at 14, umabot sa 488 alagang aso at 25 alagang pusa ang nabakunahan ng mga tauhan ng Provincial Veterinary Office sa pangunguna ni Dr. Flomella Caguicla.

 

Ang libreng pagbabakuna sa mga alagang aso at pusa laban sa rabis ay regular na programa ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Veterinary Office sa ilalim ng programang Serbisyong Suarez sa Paghahayupan.

 

Layunin nito na suportahan ang adhikain ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez na maging rabies free ang buong lalawigan ng Quezon. Gayundin, bilang pakikiisa sa programa ng pamahalaang nasyonal na “Rabies Free Philippines”.

 

Bukod sa pagbabakuna sa mga alagang aso at pusa, nagbigay din ang naturang tanggapan ng mga mahahalagang impormasyon sa mga pet owner ng tungkol sa pagiging isang responsableng tagapag-alaga ng hayop.

 

Samantala, noong nakaraang buwan ng Setyembre ay umabot sa 835 ang nabakunahang mga alagang aso at pusa mula sa bayan ng Sariaya, Tiaong, San Antonio, Pagbilao at lungsod ng Lucena. (Reygan Mantilla-Quezon PIO)

 

 
 
BACK