National Letter Writing Day, Ipinagdiwang sa SM City Lucena


 

2014-10-10

 

 

Kaugnay ng pagdiriwang ng World Post Day, idinaos ng SM City Lucena ang ikalawang taon ng National Letter Writing Day sa pakikipagtulungan sa Philippine Postal Corporation (PhilPost) noong October 9, 2014 sa Event Center ng SM City Lucena.

 

Mahigit dalawang daang (200) mag-aaral mula sa Dalahican National High School, Lucena City National High School, Cotta National High School, Philippine Tongho Institute, Maryhill College, Sacred Heart College at Gulang-Gulang National High School ang nakiisa sa sabayang paggawa ng masayang liham gamit ang postcard.

 

Nilalayon ng postal awareness campaign na mahubog ang kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral at malinang ang kanilang composition skills. Gayundin upang ipakita ang kasiyahan sa pagpapadala at pagtanggap ng sulat sa pamamagitan ng postal office.

 

 

 

Ayon kay Modesta Jaurige, Filipino Supervisor ng DepEd-Lucena, napakahalaga ng naturang gawain dahil naipapamulat sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng paggamit ng liham a kabila ng makabagong panahon.

 

Sa tulong at suporta ng Kagawaran ng Edukasyon at Komisyon sa Wikang Filipino, ang Sulat Mulat ay naglalayong muling ipakilala sa mga mag-aaral ang sining ng pagsusular ng mga liham at hikayatin silang gumamit ng liham bilang paraan ng komunikasyon sa kabila ng pagiging digital age.

 

Ang National Letter Writing Day ay taunang aktibidad ng Philippine Postal Corporation na ngayong taon ay isinagawa sa lahat ng SM mall sa buong bansa.(Reygan Mantilla-Quezon PIO)

 

 

 
 
BACK