Typhoon Glenda Rehabilitation Summit, Isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon


 

2014-10-01

 

 

“Gaano na ba kahanda ang ating lalawigan, ang ating mga bayan kung dumating man ang isa pang bagyo sa susunod na taon o sa darating na panahon, ayoko yung dumating tayo sa pag-iisip na dahil naibangon na natin ang ating bayan ay okay na tayo”.

 

Ito ang mensahang ipinahayag ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez sa isinagawang dalawang araw na Typhoon Glenda Rehabilitation Summit noong September 30 at October 1, 2014 sa Queen Margarette Hotel, Lungsod ng Lucena.

 

Ayon pa kay Governor Suarez, napakahalaga ng naturang summit na kauna-unahang isinagawa sa lalawigan ng Quezon at sa buong Pilipinas sapagkat layunin nito na mas mapabuti pa, mas mapaganda at mas maging disaster-resilient ang buong lalawigan ng Quezon.

 

Gayundin, para makabuo o makapaghanda ng mas epektibong rehabilitation at recovery plan; masigurong ang lahat ng plano ay nakatugma sa iba pang plano ng pamahalaang lokal mula sa municipal level, provincial level hanggang sa national level; pagpa-prioritize ng mga plano at programa base sa mga pondong maaaring makuha at magkaroon ng ugnayan hindi lamang sa pamahalaang panlalawigan maging sa mga ahensya ng pamahalaan sa nasyonal.

 

Ayon pa kay Governor Suarez dahil sa malaking pinsala ng bagyong Glenda sa buong lalawigan ng Quezon na umabot sa 2.4 bilyong pisong halagang danyos sa imprastraktura at agrikultura, sa pamamagitan ng naturang summit ay magkakaroon ng output na makikita sa bawat bayan tulad ng mga bagong evacuation center, more resilient covered court, potable water system at iba pang mahalagang pangangailangan ng isang bayan.

 

Pagkakaroon ng communication system na magagamit kung may bagyo at pag-review sa mga engineering design na ipinatutupad sa bawat bayan.

 

“So our main objective is to have more collective shared responsibility approach in handling a disaster resilient province that is reflected in our municipalities and can be seen in our barangays,” ayon pa sa gobernador.

 

Pinuri naman ni Dir. Vicente Tomazar ng Office of the Civil Defense IV-A at Regional Disaster Risk Reduction and Management Council ang pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Governor Suarez sa pagsasagawa ng rehabilitation summit na magbibigay ng pagkakataon para mapag-usapan kung ano ba ang dapat gawin at sistemang dapat na makita sa recovery at rehabilitation ng lalawigan matapos ang bagyo.

 

Kabilang sa mga tinalakay sa naturang summit ay Disaster Risk Reduction-Climate Change Adaptation (DRR-CCA) Concepts and Current Institutional, Rehab and Recovery, Implementation Mechanisms na pinangunahan ni Dir. Vicente Tomazar ng Office of the Civil Defense; Zoning Ordinance as an Effective Reconstruction and DRR Tool na tinalakay ni Dr. Henry Buzar ng PDRRMO; Resilient Agriculture ni Dr. Eulito Bautista ng Food and Agriculture Organization; Experiences in Rehabilitating Communities ni Senior Operations Officer Christopher Ancheta ng World Bank; Proper Utilization of the Local Disaster Risk Reduction and Management Fund ni Leoncio Arellano ng Department of Budget and Management IV-A; Public-Private Partnership ni Eleazar Ricote ng PPP Center; Risk Transfer Mechanisms ni Necitas Tolentino ng GSIS-Lucena; Municipal Development Fund ni Clyde Padilla ng Municipal Development Fund Office; How to Prepare a Rehab and Recovery Plan ni Luis Banua ng NEDA IV-A; DOT Current and Future DRRM Initiatives ni Dir. Rebecca Villanueva-Labit ng Dept. of Tourism IV-A; at DSWD Rehabilitation Programs ni Mylah Gatchalian ng DSWD IV-A.

 

Nagkaroon din ng workshop ang mga dumalo tulad ng Firming up of Rehabilitation Plans at Networking and Linking the Needs of the LGU with the National/Regional Line Agencies na pinangunahan ng National Economic and Development Authority (NEDA).

 

Ang naturang summit ay dinaluhan ng mga punong bayan sa lalawigan ng Quezon, mga miyembro ng sangguniang panlalawigan, pinuno ng tanggapan ng pamahalaang panlalawigan, bumubuo ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, Provincial Development Council at ilang nasyonal na ahensya ng pamahalaan. (Reygan Mantilla-Quezon PIO)

 
 
BACK