Zalameda, Binigyang Pagpupugay


 

2014-09-25

 

 

Binigyang pagpupugay ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon at SM City Lucena si Oscar de Zalameda, isang kilalang pintor mula sa bayan ng Lucban, sa pamamagitan ng exhibit ng mga painting ni Erick Dator, kilalang pintor din mula sa Lucban, Quezon.

 

Ang painting exhibition na “SaludokayZalameda, A Tribute to Oscar de Zalameda’s Art” na ika-15 Solo Exhibit ni Dator ay nagsimula noong September 22 at magtatagal hanggang September 26, 2014 sa Mall Atrium ng SM City Lucena.

 

Ang opening program na dinaluhan ni dating Senador Robert Jaworksi ay isinagawa noong September 24, 2014 bilang pagdiriwang ng ika-84 taong anibersaryo ng kapanganakan ni Zalameda.

 

Ayon kay Alberto “Jun” Bay Jr., Provincial Tourism Officer, ang art exhibit ay kaugnay din ng pagdiriwang ng Buwan ng Turismo at patuloy na pagpo-promote ng pamahalaang panlalawigan sa turismo ng lalawigan ng Quezon na isa sa tinututukan ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez.

 

Ayon naman kay Erick Dator na lumikha ng 24 obrang makikita sa naturang exhibit ay hango sa orihinal na komposisyon ni Zalameda. Ang mga piyesa na ginawa niya ay para mapamilyar ang mga Quezonian sa mga likhang obra ni Zalameda na kilala pintor na taga-Quezon.

 

Si Oscar de Zalameda, isang alagad ng sining at kilalang pintor hindi lamang sa Pilipinas maging sa ibang bansa ay ipinanganak noong September 24, 1930 sa Lucban, Quezon at namatay noong July 10, 2010.

 

Si Zalameda ay nag-aral ng sekondarya sa Tayabas High School (ngayon ay Quezon National High School) sa lungsod ng Lucena at nagtapos ng Fine Arts sa University of Santo Tomas. Naging bahagi ng Art League of California, San Francisco.

 

Noong 1970, isa si Zalameda samgakauna-unahang nakatanggap ng Quezon Medalya ng Karangalan mula sa pamahalaang panlalawigan ng Quezon. At noong 2006 ay ginawaran siya ng Presidential Medal of Merit ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa naiambag niya sa kultura ng Pilipinas.(Reygan Mantilla-Quezon PIO)

 

 
 
BACK