Rehabilitation Program sa Sektor ng Agrikultura, Patuloy


 

2014-09-25

 

 

Patuloy ang isinasagawang rehabilitasyon ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez partikular sa sektor ng Agrikultura sa lalawigan ng Quezon dahil sa malaking pinsalang idinulot ng bagyong Glenda lalo’t higit sa kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda.

 

Ang pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor sa pamumuno ni Roberto Gajo ay patuloy na nagbibigay ng ayuda sa mga nasalanta ng bagyo.

 

Ang Fisheries Division sa pangunguna ni Ramon Querubin ay nagbibigay ng mga tulong sa mga mangingisda sa lalawigan tulad ng tilapia at bangus fingerlings, botton set gillnet, floats, tinga, nylon, coralon at marine plywood na gagamitin sa pagsasaayos ng mga nasirang bangka. Nagkaloob din ang tanggapan ng isang Bangka na yari sa fiber glass sa bayan ng Dolores, Quezon.

 

Ang mga nasabing fishing paraphernalia ay ipinamahagi sa mga barangay ng mga nasabing bayan na may kaukulang datos ayon sa pangangailangan ng mga fishpond operator, fishcage operator at iba pang mangingisda ng lalawigan.

 

Kabilang sa mga nabigyan na ng ayuda ng pamahalaang panlalawigan sa sektor ng agrikultura ay ang bayan ng Padre Burgos, Dolores, Tiaong, Unisan at Guinayangan, Quezon. (Reygan Mantilla-Quezon PIO/OPA-Info. & Training Unit)

 

 
 
BACK