Nagwagi sa Provincewide Gulayan sa Paaralan Season 4, Kinilala


 

2014-09-25

 

 

Pinangunahan ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez ang paggagawad ng kaukulang premyo at pagkilala sa mga nanalo sa Season 4 ng Provincewide Gulayan sa Paaralan DAVID S. (Developing Agriculture thru Vegetable Production Integration Drive in School, kamakailan.

 

Angnaturangprograma ay magkatuwang na ipinatutupad ng pamahalaang panlalawigan at ng Kagawaran ng Edukasyon sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor sa pamumuno ni Roberto Gajo.

 

Layunin ng programa ang pagkakaroon ng kaalaman ng mga batang estudyante sa elementarya at sekondarya tungkol sa pagtatanim, pag-aalaga at pagkain ng mga gulay na makakatulong sa kalusugan.

 

Nakamit ng Alabat Central School mula sa bayan ng Alabat ang unang pwesto na tumanggap ng halagang isang milyong piso (P1,000,000.00), ikalawa ang Manggalang I Elementary School mula sa Sariaya, Quezon na tumanggap ng halagang pitumpu’t limang daang libong piso (P750,000.00), ikatlo ang ANAS Doña Salud Annex sa San Narciso, Quezon na nagkamit ng limang daang libong piso (P500,000.00) at ikaapat ang San Miguel Elementary School mula sa Mauban, Quezon na nagkamit ng halagang dalawang daan at limampung libong piso (P250,000.00).

 

Ginawaran din ng pagkilala at tumanggap ng premyo ang mga paaralan mula sa iba’t ibang distrito ng lalawigan sa kategorya ng municipal level. Pinagkalooban ang 1st prize ng halagang P20,00.00, 2nd prize ay P15,000.00 at 3rd prize ay P10,000.00. Ang mga premyo na ipinagkaloob sa mga nanalo ay nagmula sa pamahalaang panlalawigan ng Quezon.

 

Ayon sa tagasubaybay ng nasabing programa na si Ma. Leonillie Dimalaluan, HVCDP Focal Person na ipagpapatuloy sa lalong medaling panahon ang Season 5 ng Gulayan sa Paaralan at bilang karagdagan sa magiging batayan sa kapasiyahan ay ang Edible Landscaping at Herbal Garden na tinututukan ngayon ng gobernador. (Reygan Mantilla-Quezon PIO/OPA-Info.& Training Unit)

 
 
BACK