Transplanter Demo, Isinagawa


 

2014-09-17

 

 

Pinangunahan ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor-Extension Division ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon ang pagsasagawa ng Transplanter Demo sa samahan ng Quezon Palay Seed Growers Association sa Brgy. Aliji, Tagkawayan, Quezon noong ika-15 ng Setyembre, 2014.

 

Ayon kay Provincial Agriculturist Roberto Gajo, layunin nito na mas mapabilis ang pagtatanim ng mga magsasaka sa larangan ng pagpapalayan sa lalawigan sa makabagong teknolohiya.

 

Gayundin, upang magkaroon ng mas malawak na kaalaman ang nasabing samahan upang lalong gumanda ng kanilang operasyon, lumakas at mapataas pa ang kani-kanilang produksyon ng palay at produktong agrikultura sa lalawigan ng Quezon.

 

Lubos naman ang pasasalamat ng samahan sapagkat malaki ang matitipid ng bawat magsasaka lalo na sa oras at pagod.

 

Ayon sa mga ito, napakaganda ng mga ganitong gawain kung saan ang mga grupo ng magsasaka ang siya mismong nagsasanay at bumabalangkas ng mga paraan upang maging produktibo at matagumpay ang kani-kanilang mga agrikulturang kabuhayan lalo’t higit sa pagpapalayan, makaalam ng mga bagay na mas higit nilang kailangan tulad ng usapin ng agrikultura upang maging madaling mabigyan ng ayuda ng pamahalaang panlalawigan.

 

 Ang gawaing ito ay pinangunahan ni Engr. Joselito Bunyi, Provincial Rice Coordinator/Chief of Extension Division na sinuportahan ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez at pakikipagtulungan ng Tanggapan ng Pamahalaang Bayan ng Tagkawayan. (Reygan Mantilla-Quezon PIO / OPA-Info. & Training Unit)

 
 
BACK