Run Together For a Rabies Free Quezon, Isasagawa


 

2014-09-17

 

 

Pangungunahan ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Veterinary Office ang sama-samang pagtakbo kasama ang kanilang mga alagang aso sa September 28, 2014 sa ganap na alas-6 ng umaga, sa Pacific Mall Atrium, Lungsod ng Lucena.

 

Ayon kay Dr. Flomella Caguicla, Provincial Veterinarian na layunin ng naturang aktibidad na ipakita at ipamulat ang responsableng pag-aalaga ng hayop partikular ang aso. Gayundin, ito ay bilang pagsuporta sa adhikain ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez na maging Rabies Free ang buong lalawigan ng Quezon at pakiisa sa programa ng pamahalaang nasyonal na Rabies Free Philippines.

 

Unang bahagi ng aktibidad ay ang fun run kasama ang mga alagang aso na may tatlong kategorya; small breed na tatakbo ng 500 metro, aspin breed ay isang kilometro (1K) at large breed ay isa’t kalahating kilometro (1.5K).

 

Sa mga interesado, maaaring maagang magparehistro sa Provincial Veterinary Office, G/F Social Services Building, Capitol Compound at sa Handyman, 2nd Flr., Pacific Mall, Lucena City sa halagang P250.00.

 

Ikalawang bahagi nito ay ang Dog-A-Palooza na libre ang pagpaparehistro kung saan magtatagisan ang mga alagang aso sa best in show para sa costume at talent, at best in groomed.

 

Ang Run Together for a Rabies Free Quezon ay bahagi ng programa ng Provincial Veterinary Office sa ilalim ng Serbisyong Suarez sa Paghahayupan. Ito ay sa pakikipagtulungan sa Pacific Mall, Handyman, Zoom Bark Lucena, Zoetis, Bellman Laboratories, AVLI Biocare Inc., MARS, Provincial Rabies Prevention Control and Eradication Committee (PRPCEC) at

 

Para sa iba pang impormasyon at katanungan, magtungo lamang sa Provincial Veterinary Office o tumawag sa (042) 373-2753, 0928-5595984 at 0932-9053549 at hanapin si Darwin Baretto. (Reygan Mantilla-Quezon PIO)

 
 
BACK