Trabaho Naghihintay Matapos Mailunsad ang Pagbilao III Power Plant


 

2014-09-15

 

 

Inatasan ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez si Atty. Melojean Puache, Provincial Employment Service Office (PESO) na makipag-ugnayan sa Pagbilao Power Plant sa pangangailangan sa mga manggagawa na maaaring irekomenda ng pamahalaang  panlalawigan na kakailanganin tulad ng mga skilled man o professional na mga Quezonian.

 

Ito ay resulta ng paglulunsad ng 420-Megawatt Pagbilao III Power Plant Project na ginawa sa Fairmont Hotel, Makati City noong September 11, 2014 na pinangunahan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at dinaluhan ni Quezon Governor David “Jay-Jay” C. Suarez.

 

Ayon kay Romulo Edano Jr., Provincial Administrator, ang konstruksiyon ng Pagbilao III Power Plant na magtatagal ng hanggang 2017 ay magbibigay ng oportunidad na magkaroon ng trabaho ang mga taga-lalawigan ng Quezon. Ito ay inaasahang tutugon din sa projected energy requirement sa susunod na ilang taon sa bansa.

 

Makikipag-ugnayan ng Quezon PESO sa naturang kumpanya para malaman kung anu-anong mga manggagawa ang kakailangan maging ito man ay professional o mga skilled workers sa pagpapagawa ng Pagbilao III Power Plant.

 

Ang gagawing expansion ng power plant sa bayan ng Pagbilao ay magkatuwang na proyekto ng TeaM Energy Corporation at Aboitiz Power Corporation.(Reygan Mantilla-Quezon PIO)

 
 
BACK