Blood Letting, Isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan


 

2014-08-28

 

 

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-136 na taong anibersaryo ng kapanganakan ni Pangulong Manuel L. Quezon, nagsagawa ang pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Quezon Provincial Council for Blood Services ng blood letting activity sa Quezon Medical Center Blood Bank noong August 28, 2014.

 

Ang naturang blood letting activity ay taunang isinasagawa ng pamahalaang panlalawigan partikular ng Quezon Provincial Council for Blood Services upang masiguro ang patuloy na maayos na suplay ng dugo sa QMC Blood Bank na isa sa tinututukan ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez.

 

Kabilang sa mga boluntaryong naghandog ng dugo ay mga kawani ng pamahalaang panlalawigan, Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)-Quezon, sundalo mula sa Southern Luzon Command, PNP-Quezon, Bureau of Fire Protection (BFP)-Quezon nurses at kawani ng Quezon Medical Center at ilang pribadong indibidwal.  (Reygan Mantilla-Quezon PIO)

 
 
BACK