Quezon Public Market, Pinasinayaan


 

2014-05-20

 

 

Pinangunahan ni Quezon Governor David “Jay-Jay” C. Suarez ang pagpapasinaya ng pampublikong pamilihang bayan ng Quezon, Quezon, kamakailan.

 

Ayon kay Governor Suarez, malaking tulong sa kaunlaran ng isang bayan ang maayos, maganda at malinis na pamilihang bayan dahil ito ang sentro ng business commerce sa isang lokalidad at walang bayan o lungsod ang uunlad kung hindi maayos, maganda at malinis ang kanyang public market.

 

Ayon pa dito na napaka-swerte ng bayan ng Quezon dahil sa 39 na bayan at 2 lungsod sa lalawigan ng Quezon, at lahat ay may pangangailangan sa palengke, ang bayan ng Quezon lamang ang nabiyayaan ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon ng pondo para pagandahin, ayusin at baguhin ang kanyang palengke.

 

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga mamamayan ng Quezon, Quezon sa pamumuno ni Mayor Crispin Clacio sa napakahalagang proyekto na ipinagkaloob sa kanilang bayan ang public market na nagkakahalaga ng P4M.

 

Gayundin, ipinagpasalamat din ng alkalde ang iba’t iba pang proyekto na ipinagkaloob ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Governor Suarez kabilang dito ang computer building annex sa ilalim ng computer literacy program na may 25 units ng computer with accessories, 1 classroom kindergarten school building, pagpapasemento ng kalsada na nagkakahalaga ng P6M, at pagpapasemento ng barangay road na nagkakahalaga ng P5M.(Quezon PIO)

 
 
BACK