Boling-Boling Festival, Ipinagdiwang


 

2014-03-11

 

 

Catanauan, Quezon. Mas naging makulay ngayong taon ang pagdiriwang ng Boling-boling festival sa Catanauan, Quezon.

 

Ayon kay Mayor Mon Orfanel sa tulong ng kanyang mga kababayan ay patuloy nila itong napapaganda upang higit pa nilang mapaunlad ang turismo sa kanilang bayan.

 

“Nakakatuwa aniya dahil halos lahat ng mga kabataan ay naki-isa kaya naman taon – taon ay mas nagiging masaya ito,” dagdag pa ni Orfanel.

 

Kabilang din aniya sa patuloy na sumusuporta sa paggunita ng selebrasyon ay sina 3rdCongresswoman Aleta Suarez at Governor David C. Suarez.

 

Ang boling-boling na isang Visayan word na ang ibig sabihin ay “dumi” ay kauna-unahang  festival na ginawa sa lalawigan at umani na rin ito ng mga papuri at pagkilala sa Aliwan Festival na isinasagawa taon-taon sa Metro Manila.

 

Kasabay ng festival na isinasagawa bago magsimula ang Lenten season ay ang Agri Fair at Product Exhibit na tampok ang mga ipinagmalalaking produkto ng bayan ng Catanauan, Masquerade Ball and Dinner for a cause at ang awarding ng Natatanging Catanauanin.

 
 
BACK