Earthquake Drill sa mga Paaralan, Isinagawa


 

2014-03-19

 

 

Nagsagawa ng earthquake drill ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na pinamumunuan ni Dr. Henry Buzar sa tatlong magkakahiwalay na paaralan sa lungsod ng Lucena sa loob lamang ng isang araw noong March 18, 2014.

 

Kabilang sa mga sumailalim sa earthquake drill ang 1st year at 3rd year high school ng Quezon National High School, mga trainee ng PNP Regional Training School IV-A sa bahagi ng Southern Luzon Command (SOLCOM) at Datamex Computer School.

 

Ang naturang earthquake drill ay bilang bahagi ng 1st quarter nationwide simultaneous earthquake drill sa atas ng Office of the Civil Defense sa pangunguna ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

 

Inaatasan nito ang lahat ng Provincial, City, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office na makiisa at magsagawa ng mga pagsasanay na may kinalaman sa paghahanda sa lindol sa kani-kanilang nasasakupan.

 

Layunin nito na maging handa ang lahat partikular ang mga paaralan at masigurong ligtas ang mga mag-aaral, guro at mga magulang sa maaaring maganap na lindol habang at pagkatapos nito.

 

Isa sa pangunahing tinututukan ngayon ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa pamumuno ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez ang pagiging handa ng buong lalawigan ng Quezon at lalo pang pagpapalakas ng mga local disaster risk reduction and management council para masigurong makakayanang harapin ng lalawigan ang anumang kalamidad na kakaharapin nito.(Quezon PIO)

 
 
BACK