P10M, Ilalaan ng Pamahalaang panlalawigan sa pagsasaayos ng SLSU GYMNASIUM


 

2014-08-07

 

 
Halos yumanig ang buong Southern Luzon State University Gymnasium sa sigaw at palakpakan matapos ipahayag ni Governor David "Jay-Jay" C. Suarez ang paglalaan ng pamahalaang panlalawigan ng sampung milyong piso (P10M) pondo para sa pagsasaayos ng naturang gymnasium.
 
Ito ay ipinahayag ni Governor Suarez sa pagdiriwang ng ika-50 taong pagkakatatag ng Southern Luzon State University (SLSU) noong August 5, 2014 sa SLSU Gymnasium, Lucban, Quezon.
 
"Tuwing darating ang graduation at summer ay napakainit ng gymnasium ninyo at tuwing umuulan ang daming nababasa sa loob ng gymnasium, so we already allocated P10M to improve the gymnasium", ayon sa gobernador.
 
Ipinangako din ni Gov. Suarez kay Dr. Cecilia Gascon, SLSU President na magiging katulong ang pamahalaang panlalawigan sa pagsasaayos ng mga nasirang gusali, bubong ng mga paaralan sa Tiaong at Tagkawayan na nasira ng bagyong Glenda.
 
Sa pagdiriwang ng ika-50 founding anniversary, ayon sa gobernador na sa 14 na taon niya sa serbisyo publiko ay nakita niya ang paglago, paglaki at pag-unlad ng SLSU mula sa simpleng kolehiyo sa bayan ng Lucban ngayon ay mayroon nang sangay sa iba’t ibang bayan tulad ng Tagkawayan, Alabat, Catanauan, Gumaca, Infanta, Lucena, Polilio at Tiaong na nagbibigay ng good, affordable, quality education sa mga kapos na mag-aaral.
 
Ayon pa sa gobernador na ang SLSU din ay palagiang katuwang ng pamahalaang panlalawigan hindi lamang sa edukasyon kung saan ang SLSU ang may pinakamalaking inilaang pondo para sa scholarship program na may humigit-kumulang na 4,000 scholars gayundin katuwang sa pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran.
 
Pinaalala naman ni Dr. Gascon sa mga mag-aaral, guro at mga kawani ng SLSU ang dapat maging ambag ng mga ito sa komunidad na ginagalawan, maging aktibong miyembro ng lipunan para sa kagalingan ng pamayanan.
 
Samantala, nagkaloob din ang gobernador ng isandaang libong piso (P100,000.00) para sa kalinsabay na isinasagawang Inter-Collegiate and Campuses Athletic Competition (ICCAC) 2014 ng SLSU na personal na tinanggap ni Angelo Shan Mendoza, Supreme Student Council Federation President.
 
"Be the best student that you can be, achieve your dreams, graduate with award, be the best profession that you can be and eventually sa mga ganitong maliliit na bagay ay nakatulong kayo sa pag-unlad at pagbago ng ating lalawigan", pagtatapos ng gobernador. (Reygan Mantilla-Quezon PIO)


 
 
BACK