2 Dept. Heads sa Kapitolyo na Nagretiro, Binigyang Pagkilala


 

2014-08-04

 

 

Binigyang pagkilala ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng pagkakaloob ng Retirement Service Award ang dalawang pinuno ng tanggapan na nagretiro nitong nakalipas na mga buwan.

 

Una dito si Engr. Cesario De Torres Palayan na naglingkod sa lalawigan ng Quezon ng tatlumpu’t limang (35) taon sa Tanggapan ng Panlalawigang Inhinyero. Si Palayan ay nagsimulang maglingkod noong 1978 bilang engineer trainee at nanungkulan bilang pinuno ng Tanggapan ng Panlalawigang Inhinyero sa loob ng labingsiyam (19) na taon.

 

Ikalawa si Dr. Erlinda Caparros Plotria na naglingkod sa lalawigan ng Quezon ng labingpitong (17) taon. Si Plotria ay nagsimulang maglingkod  bilang medical officer III noong 1996 at nanungkulan bilang pinuno ng Chest Clinic sa loob ng sampung (10) taon.

 

Ayon kay Governor David "Jay-Jay" C. Suarez, marapat lamang na bigyang pagkilala sina Engr. Palayan at Dr. Plotria dahil sa naging kontribusyon ng mga ito sa katuparan ng mga development goal ng pamahalaang panlalawigan para sa lalawigan ng Quezon.(Reygan Mantilla-Quezon PIO)

 
 
BACK