2014 Outstanding Librarian sa Quezon, Kinilala


 

2014-08-04

 

 

Kinilala ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon ang tinanghal na 2014 Outstanding Librarian sa buong lalawigan ng Quezon sa katauhan ni Ysobel Escudero, Librarian II sa Provincial Library.

 

Ang parangal ay ipinagkaloob ng Librarians Association of Quezon Province-Lucena Inc. (LAQuePLInc.) sa isinagawang 2-day National Conference and General Assembly ng Philippine Librarians Association, Inc.-Southern Tagalog Region Librarians Council (PLAI-STRLC) noong July 31, 2014 sa Camp Allen, Sta. Cruz, Laguna.

 

 Ayon kay Ismaelinda Cabana, Provincial Librarian na pinagbasehan ng samahan sa pagpili ng natatanging librarian sa bawat lalawigan sa Timog Katagalugan ay professional competence, participation in professional activities, contribution to the advancement of the profession at community involvement and services.

 

 Matatandaan na noong 2012 ay tinanghal ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at ng National Library of the Philippines ang Quezon Provincial Library na Most Outstanding Provincial Library sa buong Pilipinas sa suportang ipinagkakaloob ni Governor David "Jay-Jay" C. Suarez sa mga gawain at programa ng naturang aklatan.

 

At noong nakaraang taon ay tinanghal na isa sa top 5 Outstanding Libraries in Children’s Service in the National Library of the Philippines. (Reygan Mantilla-Quezon PIO)

 
 
BACK