1st Quezon Herbal Conference, Isinagawa


 

2014-07-28

 

 

Pinangunahan ni Governor David "Jay-Jay" C. Suarez ang pagdaraos ng kauna-unahang Herbal Conference sa lalawigan ng Quezon na may temang "The Prospects of Herbal Plants in Quezon Province" sa Graceland Estates and Country Club, Lungsod ng Tayabas noong July 25, 2014.

 

Ayon kay Governor Suarez, layunin ng naturang conference na maisulong ang kamalayan ng mga Quezonian sa kabutihang maidudulot sa kalusugan mula sa herbal plant at i-explore ang potensyal na negosyo ng herbal plant bilang isang umuusbong na industriya sa lalawigan ng Quezon.

 

Gayundin, upang makita ang mayamang diversity ng herbal plant sa lalawigan, maipakita ang iba't ibang herbal plant at ang benepisyo nito, ipakita ang potensyal ng lalawigan sa Herbal Market Industry at ipakilala ang ilang herbal by-product at maaaring maging negosyo.

 

 "We are always have to develop another source of income for our farmers, parati po pinag-uusapan ang re-cropping, pagtatanim ng gulay, kamote, cacaos sa ilalim ng ating mga niyugan, why don't we plant herbal plant, we will not only earn from it, we will also make our communities a lot healthier", ayon pa kay Suarez.

 

Ayon naman kay Dr. Jaime Galvez Tan, President ng Health Futures Foundation Inc. at dating Kalihim ng Department of Health, ang lalawigan ng Quezon ay may potensyal na maging sentro ng Pilipinas pagdating sa mga halamang gamot, maging unang lalawigan na may agro-industry ng halamang gamot at una sa lahat sa pag-unlad ng halamang gamot sa Pilipinas.

 

Bukod kay Dr. Jaime Galvez Tan na tumalakay sa iba't ibang health benefits ng herbal plants, naging tagapagsalita sina G. Isidro Sia, Director General ng Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care (PITAHC) na tinalakay ang tungkol saTraditional and Alternative Medicine Act (TAMA) o RA 8423; Dr. Cecilia Gascon, President ng Southern Luzon State University na tumalakay sa mayamang bio-diversity ng lalawigan ng Quezon partikular ang Bundok Banahaw; G. Lito Abelarde, Chairman Emeritus ng CHIDI, Chamber of Herbal Industries of the Philippines, Inc. na tumalakay tungkol sa Positioning of the Philippines in the Global Market; G. Francis Gomez, President ng New Marketlink Pharmaceutical Corp. at May-ari ng Lagundex (Lagundi) na tumalakay sa Processing and Manufacturing Herbal Plants as Medicine; G. Jamir Ocampo, Founder at Managing Director ng Tsaa Daloy-Premium Philippine Teas na tumalakay sa Herbal Tea Manufacturing and its Potential; and Ma. Rosette Bagayas, OIC/Head ng Ylang-Ylang Livelihood Extraction Program na tumalakay sa Business Opportunities on Essential Oils.

 

Ang naturang conference ay dinaluhan ng ilang municipal mayor, municipal agriculturist, municipal health officer, mga pinuno ng tanggapan ng pamahalaang panlalawigan, non-government organizations, academic institution at taga-pagsulong ng herbal plants (Reygan Mantilla - Quezon PIO)

 

 
 
BACK